napapanahon na ang lahat ng makabayang Pilipino ay magkaisa at magbuklod upang maisakatuparan ang ninanais na kasagaan ng inang bayan. Ilang dantao na bang naghihirap ang bayang Pilipinas? Sa nakalipas na mga dantaon ng pakikihamok sa pambobosabos ng mga dayuhang mandarambong sa ating bansa ay wala ring nakamit na tagumpay ang sambayanan sa layung mapabuti ang buhay ng mga Pilipino na naghihikahos sa isang bansang lugmok sa kapighatian.
Hindi na kailangan pang ipaliwanag ang mga dahilang kung bakit hindi tamang palawigin ang pamamahala ng isang pinunong kaduda-duda ang kilos at layunin. Angkop ba na ang paghahanap ng lunas sa mga suliranin ng bansa ay ang paghihikayat ng mga dayuhang kapitalista upang maglagak ng salapi sa pag-asang makakapagbigay sila ng pangkabuhayan sa milyon-milyong nagdarahop na masa? Hindi kailan man naging tama ang ganitong balangkas ng sistema ng pamahalan. Ano ang tulong na maibibigay sa buong bayan kung ang mabibiyayan ay iilan lamang, habang ang mga dayuhang nagmamay-ari ng mga pabrikang lumalason sa kalikasan ay nakahiga sa dami ng yamang nakamit sa hindi tamang paraan.
Panahon na na ang buong masa ng nagkakaisang Pilipino ay lumikha ng isang bagong pamahalan na siyang tutugon sa pangangailangan ng bansa sa tamang paraan, malakihang layunin, at mga gawaing magpapabuti sa pangkalahatang takbo ng kalakalan at kabuhayan ng bayang Pilipinas
Tuesday, December 4, 2007
Subscribe to:
Comments (Atom)